Ang Miyerkoles ng abo ay siyang pasimula sa panahon ng kwaresma. Ito ay panahon ng pagninilay at pag-aayuno upang iprepara ang ating mga sarili sa araw ng muling pagkabuhay ni Kristo, na kung saan tayo ay nailigtas.
Bakit tayo naglalagay ng abo?
Ang pag-aantanda ng abo ay naging kaugalian alinsunod sa mga ginawa ng mga taga-Niniveh sa pagbabalik-loob sa panginoon. Sila ay nagsuot ng mga sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo bilang tanda ng pagiging mapagkumbaba sa panginoon at upang sila'y mapapaalalahanan na sila'y mamamatay. Kung kaya ang pari sa pag-aantanda sa atin ng krus na abo sa noo'y nagsasabing:
"Naggaling ka sa abo, sa abo'y ika'y babalik."
Ang mga abo ay sumisimbolo sa pagbabalik loob sa panginoon. Ito'y pinababanal ng simbahan sa pamamagitan ng pagbibendisyon nito at tinutulungan tayo ng mga abong ito na paalalahanang maging mapgpakumbaba at magsakripisyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento